ECUMENISMO
Magtatayo Ang City Hall Ng Ecumenical Church
Ang Ecumenical Church ay isang sambahan o simbahan
kung saan lahat ng tao, kahit saan siya kabilang na relihyon
ay maaaring magdasal dito. Kaya’t lahat ng Kristiyano,
Muslim, Buddhist, at iba pang relihyon ay maaaring pumunta
rito.
Naniniwala tayong lahat na nakikita tayo ng Diyos kahit saan
man tayo makarating.
Ngayon, dahil kailangan natin ang isang tahimik na lugar para
magdasal o magmunimuni ang City Hall ay magtatayo ng
gusali na puwedeng puntahan ng lahat ng tao, ng walang
pagtatangi kung anumang relihyon ang kinabibilangan ng
indibidwal.
Magkakaroon ito ng mahalimuyak na hardin sa paligid at
maraming bangko kung saan puwedeng maupo at
magpahinga o magmeditate tungkol sa ating mga paniniwala
at sa takbo ng ating buhay sa araw-araw.
Sa bawat barangay patitingkarin natin ang pagkakaroon ng parke na
may mga mahalimuyak na halaman at mga puno para panglilim.
Magkakaroon ito ng isang tahimik na sulok din para makapagdasal,
makapagmuni-muni at makapag-isip ng malalim ang sinuman na
walang gumagambala sa kanya.
Gayundin ang hitsura nito sa kapaligiran ng ecumenical na
sambahan. Pupunuin din ito ng mga mahahalimuyak na bulaklak at
mga puno na magbibigay ng lilim.
Makikibahagi sa pag maintain ng ecumenical na sambahan at mga
parke ang lahat.
Lalagyan din natin ng isang maliit na aklatan na may mga diyaryo ng
pangkasalukuyan.
Para magkaroon ng Sistema at mapanatili ang sambahan sa maayos
na paraan, maglalabas ng komiks ang City Hall tungkol sa
pangangalaga ng parke.
NB: Ecumenismo: isang kilusang pandaigdigan na nagsusulong ng
pagkakaisa o kooperasyon ng lahat ng mga Kristiyano (Ecumenism,
the movement or tendency toward worldwide Christian unity or
cooperation) – Brittanica.com
No comments:
Post a Comment