Tuesday, March 5, 2019

LUPA AT TAHANAN: Mithiin ng bawa't Pilipino at Pilipina









Lupa at Tahanan

Sa bawa't pagbanggit ko na magtatrabaho ako para magkatitulo sa lupa ang mga tao ng QC, biglang lumiliwanag ang mga ngiti, ang mga mukha ng mga kausap ko. Yung iba sabi lilipat na sila mula sa ibang syudad at pupunta na sa QC.

Mahirap talagang magkalupa , at higit sa lahat ng tahanan sa QC sa buong NCR palagay ko. Mahal na ang mga lupa rito. Umaabot ng 4 hanggang 30 mil ang metro kadrado. Yung nabili ko ay condominium, pang limang palapag pa, samakatuwid walang lupa. Wala ring elevator. Ang laki: 15 square meters pero ang kuwenta ng construction company para magmahal ay 30 sqm kasi may mezzanine na plywood na pinatong lamang sa kisame ng unang palapag. Ligal ba yun? Kaya ang kuwenta Presyo x 30 square meters. Pero ang lupa ay nasa ground floor.

Matapos ang tatlong taon nabayaran ko ang buong halaga na umabot sa 350000. Nakaya kong bayaran kc nakapagturo ako sa College of St. Benilde ng apat na klase ng pilosopiya. At ang laki talaga ng suweldo ko. Buwan-buwan nakakabayad ako ng malaking halaga. Salamat Brother Andrew (Sumalangit nawa ang kaluluwa niya) at Beny Estepa. Salamat lalo na kay Justice Cecilia Muñoz Palma, sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Siya ang pinuno ng Quezon Institute noon at siyang may-ari ng lupa. 

Singkuenta anyos na ako ng nagka condominium. Yung iba, idad sisenta, otsenta ay wala pa ring pabahay. Kung undereducated ang isang indibidwal, malamang ang trabahong makukuha niya ay maliit ang suweldo at di makasasapat na pambayad buwan buwan sa amortization. Kaya uupa na lang sila.

Napakahirap ang walang lupa at tahanan. Ang mga kasama ko sa asosasyong Makamasa sa Tundo noon hindi nakakatulog ng mahimbing dahil anytime maaaring dumating ang Metrocom at i demolish ang bahay nila. Gustong ipagbili ang lupa sa pribadong mga korporasyon.

Tawag sa kanila noon ay "squatter" na pinalitan at ginawang higit na makatao sa pagdaraan.ng panahon - "urban poor" o kaya ay "informal settlers" ayon kay Rambo Labay ng DZXL na nag interview sa akin noong Linggo ng Pebrero 24, 2019 sa kanyang programa alas otso ng umaga. (Sinamahan ako ni TD na nangungupahan dito sa QC ngunit hirap makabayad ng bed space kada buwan.

Natatandaan ko pa noon ang mga pabahay sa Tundo ay nakatirik sa matubig na putik na siya ring daluyan ng mga toilets nila. At sa gabi, kapag may bagyo, nagpapayong kami ni Ka Sela sa kama niya kc yung ulan lumulusot sa butas ng bubong.

Pero sa kabaitan ni Padre Sean, ang pari sa San Pablo Church, na humingi ng tulong sa Brot fur die Welt (Bread for the World) sa Alemanya at iba pang organisasyon nabili ang lupa at naipamahagi sa mga tao, at nabigyan pa sila ng pampatayo ng pabahay. Up and down, kuwarto sa taas at sala at kusina sa baba. Ang laki ng pamilya ni Ka Sela, limang anak at may mga asawa at anak pa yung dalawa. Pero nagkasya sila doon. Sa salas natutulog ang iba.

Kung nagawang magka pabahay at lupa ang mga taga Tundo puede rin itong gawin sa QC. Naiisip ko yung parking building sa QC Hall, pwedeng gayahin ang design, four floors, at lagyan ng mga kuwarto at ipagbili sa mga may kagyat na pangangailangan.

Yung mga bakanteng lote naman sa QC ay puwedeng hingin o bilhin sa mga pribado at pampublikong nagmamayari at ipagbili sa mga nangangailangan. Mahirap bang gawin yan? Huwag lang mapasukan ng mga korap na gagawing palabigasan ito, maraming maliligayahan sa mundong ito.

Ang lupa ay tig 100 sqm at malamang 3 hanggang 4 na libo per square meter. lalakarin kong maging 2% interest lamang sa Pag-ibig ang loan.

No comments:

Post a Comment