Ang buhay natin ay napakaiksi para ipagsapalaran lamang sa mga gawaing makakalimutan din tayo pagpanaw natin. Mahalagang makibahagi tayo upang makatulong sa mga ngangangailangan, sa mga naghihikahos, sa mga naiwanan.
Monday, March 18, 2019
MAHAHALAGANG ARAW NG MGA MAMAMAYAN NG QUEZON CIY
Mga Kababayan Ko: Sa uri ng pamumuhay sa ating mga komunidad, kung saan marami ang nakatuon sa trabaho nila sa labas ng tahanan at nagsisiuwi kung gabi na at sa umaga naman ay aalis ng kaagaaga upang makarating agad sa trabaho, ang mga naiiwan sa tahanan ay maaaring nakararamdam ng pagkabagnot.
Halos hindi na nila makita ang mga mahal nila sa buhay at lalo na kung nag a abroad sila.
Ano ang dapat na sagot ng pamahalaan dito?
Sapagka't mahirap magbigay ng trabaho para sa lahat dito sa ating bansa, bagaman gagawin nating magpursigi ng mabuti dito para hindi na kailangan pang lumayo ang isang miyembro ng pamilya o kaya ay mabuwag ang pamilya mismo sa mga pangyayaring di maiiwasan, narito ang aking suhestiyon:
Ang City Hall ay magtatakda ng mga okasyon na puwedeng daluhan ng mga miyembro ng pamilya buwan buwan:
1. ARAW NG MGA BATA - magkakaroon ng programa kung saan lalahok ang sinumang bata na gustong isali ng mga magulang. Magpapakita ng talino ang mga bata at magbibigay ng premyo ang City Hall para dito;
2. ARAW NG MGA MAGULANG - magtatagisan ng talino ang mga magasawa kontranibang mag-asawa at may mga premyong ilalaan dito na maaaring cash o kaya isang kabang bigas at P3000 groceries kung anuman ang nais nilang premyo;
3. ARAW NG KALALAKIHAN - magkakaroon ng mga palaro Maaari ding kumpetisyon sa pag drawing o pag pinta sa canvas, o kaya pag-awit o sayaw. At may premyo rin.
4. ARAW NG KABABAIHAN - May mga papremyo sa bawa't kategorya:
magkakaroon ng mga palaro. Maaari ding kumpetisyon sa pag drawing o pag pinta sa canvas, o kaya pag-awit o sayaw;
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment