Thursday, March 14, 2019

TULONG HUSTICIA NARITO NA

Friday, March 15, 2019


TULONG HUSTICIA PARA SA MGA TAGA LUNGSOD QUEZON





Napakabigat ang magkaroon ng kaso. Kadalasan nauubos ang panahon ng mga tao sa kafa follow up, paghahanda ng mga papeles, at pagdalo sa mga hearings na kadalasan ay napo postpone lamang. At madalas 3 hanggang 6 na buwan pa ang susunod na hearing.

Nais kong makatulong ang Lungsod at pati na rin tulungan ang Public Attorney's Office (PAO) sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga legal assistants sa bawat barangay. Sila ang tutulong sa paghahanda ng mga papeles ng mga residente na walang kakayahan na magbayad ng manananggol o kaya kulang ang pera para mamasahe sa pagpunta sa PAO opara pumila at humingi ng tulong. 

Sa ganitong paraan dadalhin natin ang Hustisya hanggang sa level ng Barangay. O kaya hihingin din natin ng tulong ang PAO para sila ang kumuha ng mga legal assistants na itatalaga sa mga barangay.

May 142 barangays sa buong Quezon City. Maaaring ang isang assistant ang humawak ng mga kaso sa tatlong barangay para makatulong sa pagtitipid.

Mga tasks ng legal assistant:

1. Magpaliwanag ng mga hakbangin na gagawin para sa kaso. Sa ganitong paraan nahahanda ang mamamayan sa mga tatahaking landas sa pagsasampa ng kaso;
2. Pagpapaliwanag sa simpleng lengguahe ng mga sulat na legal na natatanggap mula sa korte;
3. Pagtulong sa paghahanda, pagsusulat, pagta type ng mga kakailanganing dokumento para mapunan ang mga kailangan sa kaso; at 
4. Pagpapaalala sa mga mamamayan na may kaso kung kailan ang mga hearings para makadalo sila; at marami pang ibang mga legal na hakbangin.

No comments:

Post a Comment