Wednesday, January 16, 2019

MALUSOG NA KAPALIGIRAN: MALUSOG NA MAMAMAYAN





Paanong titingnan ang ating Kapaligiran?


Kailangang mapangalagaan; 

kailangang baguhin ang mga patakaran at gawaing nakasisira nito; 

Kailangang gamutin, bigyan ng solusyon ang mga problemang paulit-ulit na sumisira sa ating mga likas-yaman; at


Kailangan ang pangangalaga ng kapaligiran ay mariiing nakapaloob sa lahat ng gawain ng pamahalaan at pribado, mga eskuwelahan, at mga tao:  indibidwal man o kolektibo.


Baha ang pinakamalaking problema tungkol sa ating kapaligiran. Ito ay nagdadala ng salot at sakit sa ating pamayanan. Kung kaya’t ipahuhukay ko ang mga ilog ng 80 talampakan upang ang tubig ay dadaloy ng mabuti papunta sa Pasig River. 

Narito rin ang aking ibang suhestiyon: 
1. Gamitin ang kotse o sasakyan tatlong beses lang sa isang araw para hind imaging mausok ang syudad;
  
       2. Pagsabihan ang mga tao o bata na nagkakalat sa daan;
   
       3. Magtanim ng puno; kung walang hardin, sa paso muna at pagmalaki na dalhin sa bakanteng lote, i-doneyt sa eskuwelahan, o sa parke;

   
       4. Magkampanya tungkol sa paghihiwalay ng mga basura –

Iba ang lalagyan ng tuyo, ng basa, at ng magagamit pa

5. Magtanim  ng mga gulay na puwede mong pagkunan para sa pagluluto; 

6. Makibahagi sa mga events na may kinalaman sa kapaligiran. Huwag matakot pumirma sa mga humihiling ng aksyon;

      7. Para hindi maaksaya sa tubig, mag-ipon ng tubig galing sa ulan na puwedeng gawing pandilig ng halaman o panlinis;

   
      8. Turuan ang mga batang kumanta ng mga awit na may nilalamang mensahe na makatutulong sa kapaligiran; 

   
      9. Bawa’t tindero, tindera, tindahan, kumpanya atbp ay dapat magkaroon ng basurahan sa tabi nila;

           
      10.  Ang mga bus at estasyon ng tren ay dapat na may basurahan para sa mga tiket na gamit na; 
     
      11. Ang mga tahanan na may problema sa mga baradong tubo ay makatatanggap ng tulong sa pagsasaayos nito sa barangay; at

       12. Tatanggap ng mga suhestiyon ang City Hall at ang pinakamaganda at orihinal ay makatatanggap ng reward; 

        13. Magkakaroon tayo ng mahigpit na ugnayan ng mga grupong pangkapaligiran tulad ng Eco-Waste at       Philippine Animal Welfare Society o PAWS lalo na sa punto ng edukasyon.

GAWING MAKABULUHAN: a- 13 ng Mayo 2019
botokomahalaga.blogspot.com

thirdforce-prg



HEALTHY ENVIRONMENT




How should we regard the Environment?


We need to protect it; change policies that destroy it; cure and or solve the repetitive problems that destroy the environment.


We need to make the environmental principles embedded in the consciousness of every individual and in all community leaders, whether in private or public office.


BAHA: Flooding is the number one problem in our environment. It brings plague and diseases;  paralyzes  movements of people. So I will order the digging of the rivers and esteros up to 80 feet so  that the waters during rainy days would flow freely and fast to the Pasig River. Here are my other suggestions also:


1.     Use the car or vehicle three times a week only to stop pollution of the city;


2.     Tell off people, child or adult not to throw their waste on the streets;


3.     Plant a tree first on a pot and when grown, replant on an empty piece of lot or donate to a park;


4.     Campaign for the segregation of wastes- dry, wet and recyclable;


5.     Plant vegetables which could be cooked at home readily;


6.     Get involved in events that have a bearing on the environment. Don’t be afraid to be involved and 
      sign on papers that call for positive action;


7.     So as not to waste water, save the water during rainy days and us it for gardening or cleaning;


8.     Teach the children to sing songs with educational messages about the environment;


9.     Every vendor, company or store should have a waste basket for use by the public;


10.  Buses and train stations should also have waste baskets for used tickets;


11.  Homes with drainage problems shall receive help from the barangay and city hall;


12.  City Hall shall accept suggestions and the best shall receive a reward; and


13.  We shall have close coordination with environmental groups like Eco-Waste, Green Peace and the Philippine Animal Welfare Society of PAWS in terms of education.


botokomahalaga.blogspot.com


thirdforce-prg



Thursday, January 10, 2019

MGA GURO AT EMPLEYADO NG DEP-ED





Mahal kong mga Guro at Empleyado ng Department of Education:



Mabuhay  kayo!
Ang ating buhay bilang guro ay parating puno ng agam-agam. 

Nag-iisip tayo parati kung tayo ay nakapagbibigay ng mabuting kaalaman sa mga estudyante, hindi lamang mabuti kundi exelente pa. 

At iniisip din natin kung di natin napababayaan ang ating mag-anak.  

Nagiging mabigat ang ating mga problema  kung hindi tayo napapansin ng mga awtoridad o kaya ay di ginagawang priority an gating kalagayan.

Kung kaya’t sa ilalim ng isang bagong adminsitrasyon, naniniwala ako na ang isang opisyal ng syudad ay magiimbestigang mabuti kung paano malulutas an gating mga problema at magbigay ng kalutasan, sa maikli o mahabang panahon.

Sa katunayan, ang QC hall ay maraming kinakaharap na problema ng mga guro. Ang unang solusyon ay parati tayong maging gawing bukas sa pakikipag dayalogo, sa pagitan ng mga asosasyon ng mga guro, mga kooperatiba at City Hall. 

Narito ang aking mga gagawin sa kalagayan ng mga guro sa Quezon City:
1.       
     Tutulong ako sa pagtatayo ng isang bangko ng mga educational video at graphic materials na makakatulong sa pagtuturo sa mga batang sanay na sa mga kompyuter.


 Palalakasin ko ang pakikipag-ugnayan ng  Parents-Teachers Associations  sa City Hall;

3. Sisiguruhin kong may libreng materyales tulad ng chalk,  bond paper, at bag para sa mga estudyante. Ilan lamang ito sa mga materyales na ibibigay natin;

4. Ang mga batang galing sa mga hirap na komunidad ay bibigyan ng libreng materyales;

5. Magbibigay ako ng pondo para makapagbuo ng mga credit cooperatives para sa mga guro lamang, at sa ilalim ng COA rules, magbibigay ng start up fund ang City Hall;

6, Palalakasin ko ang ugnayan ng mga guro sa pampubliko at privadong mga eskuwelahan upang gawing pantay ang professionalism sa pagtuturo; at

 7. Magaa-asayn ako ng isang education group na nakatutok lamang sa pag monitor ng mga kaganapan sa lahat ng mga eskuwelahan sa syudad upang makatulong sa pagbuo ng mga polisia tungkol sa edukasyon.

Ako ay isa ring Educator kung kaya’t ang aking puso ay para rin sa mga guro na kumakalinga ng mga isip, damdamin, katawan, ng mga  estudyante, kasama na rin ang kanilang spiritual needs.

Ating tamuhin ng sabay ang ating mga mithiin



Dear Teachers and Employees of DEP-ED:

Greetings. 

Our lives as teachers are always fraught with anxieties. We worry about being a good teacher to our students , some say even excellent teacher, as well as good to our family. Both are heavy burdens especially when our salaries are not enough to pay our basic necessities and services. 

Our problems become acute when authorities are ignoring our condition or are not making them a priority. 

Hence under a new administration I believe that an official in the city could conduct an investigation that alleviate solve our economic, social, and work problems among others, and provide temporary or ultimate solutions in the long run so long as we help each other.

The point is the Quezon City hall is to facing many problems of teachers in the city. Hence, the first solution is to keep the doors open always for conferences and discussions between teachers' associations, cooperatives and City Hall. Here are my views about the situation of teachers in Quezon City:

1.    I shall help  teachers put up a bank of educational video and graphic materials that will help them in their profession;

2.     I will strengthen parents-teachers associations with the city hall;

3.     I will insure the provision of free materials like chalk and bond papers, and bags for schoolchildren, among other things to all public schools of QC;

4.     Children coming from deprived communities shall be given free materials;

5. I will provide funds for creation of credit cooperatives for teachers alone to which City Hall, under COA rules, may contribute start up funds;

6.     Private and public school teachers shall have a strong bonding in order to equalize professionalism in teaching;  and

7.     I will assign an education group that will research all the time, as well as monitor the school activities that could help the city hall to develop educational policies.

Should you have more suggestions this administration shall remain open to all suggestions as we blelieve is that educaion is the path to creating a moral conduct and a soul that felels for teir fellow beings.

I am myself an Educator  and so my heart is also for the teachers who nurture students mentally, emotionally and physically, as well as spiritually.
Let us attain our similar goals together goals. I am appealing for your support on May 19, 2019. 


GAWING MAKABULUHAN


ANG A-13 NG MAYO.

WALANG MAIIWAN.

SA PAGBABAGO, SIGURADO BASTA ORO!

Wednesday, January 9, 2019



OROzco EMMA 
Candidate for Mayor 
Quezon City 


    GAWING MAKABULUHAN
   ANG A-13 NG MAYO.

WALANG KULELAT!

                                              SA PAGBABAGO
                                           SIGURADO BASTA ORO! 



Email: miravera2010@gmail.com
Phone: 09224332248
09158238491
Google: botokomahalaga.blogspot
thirdforce-prg

PROGRAMA: MASAYANG KABATAAN




Ang kabataan ay isang pangyayari na mababalikbalikan lamang sa alaala. Pahalagahan natin ito at


kalingain ang kamuraan ng isip at katawan ng mga bata. Ilayo sila sa mga tao at pangyayari na magdudulot sa kanila ng di kaaya-ayang karanasan sa paglaki sa buhay. Kung kaya't sa aking administrasyon: 

A. Sisinupin ang estatistika kung ilan ang kabataan sa Quezon City. Magkakaroon ng kategorya: idad 

1.     IDAD     0 hanggang 3    

2.     IDAD     4 hanggang 6
3.     IDAD     7 hanggang 11 
4.     IDAD   12 hanggang 17 

 Ang kategoryang ito ay maaaring magbago. Nais nating magkaroon ng angkop na proyekto para sa kabataan batay sa idad at pagkahiyang nila. Habang lumalaki ang mga bata ay nag-iiba ang nais nilang laro. Nag-iiba rin ang kanilang pag-iisip kung ano ang pagmamahal sa magulang o sa pamilya.

Kailangan nakaagapay ang barangay sa nagbabagong buhay ng kabataan;

       B. Kukuha ang City Hall ng mga sikolohista (psychologists) na magbibigay ng pagsasanay sa mga magulang sa bawa't barangay kung paanong itatrato ang kabataan 

C. Ang mga mag-aaral ay aayudahan sa pagdadala ng mga bag sa eskuwela at pag-uwi nito. Magkakaroon tayo ng shuttle jeeps para sunduin at ihatid sila sa eskuwelahan;

D. Magkakaroon tayo ng mga contests at kompetisyon para mahasa ang mga batang humarap sa mga hamon ng buhay. Sa ganitong kalakaran, matututo silang pahalagahan ang mga aktibidades na nagtuturo ng kahalagahan ng kanilang talino at ng buhay. Matututo rin silang makipagtrato ng maayos sa kapwa sa ilalim ng kumpetisyon. Matututo rin sila na ang sports ay nililinang ang katawan at isip upang maging malusog at upang tumingkad ang kanilang dangal sa pakikipaglaro;

E. Ipatutupad ang pagkakaroon ng parke sa bawat barangay at playground para sa mga bata. Maglalagay ng tanod para siguruhing malayo sa panganib ang mga bata;


F. Sisiguraduhing ang mga bata ay nakatatanggap ng mga bitamina at mineral na kailangan sa kanilang paglaki;


G. Aalamin parati kung ano ang klase ng mga laro na ginagawa nila: kung ito ba ay nakapagpapa-angat ng kanilang kaalaman, at hindi sumisira ng kanilang mabuti at positibong pananaw sa buhay;

H. Magkakaroon ng 1 on 1 na pakikipag-usap ang mga magulang, mga guro, at sikolohista sa mga batang mahirap disiplinahin sa bawa't barangay. Aalamin ito ng mga purok leaders.   


Ang batang may masayang kabataan ay lalaking may positibong pananaw sa buhay at pagmamahal sa ibang kabataan. 

GAWING MAKABULUHAN  ANG A-13 NG MAYO.


WALANG MAIIWAN.


SA PAGBABAGOSIGURADO BASTA ORO!

OROzco EMMA
Google: thirdforce-prg Google: botokomahalaga.blogspot.com



ENJOYING YOUTHFUL YEARS




Youth is a phenomenon that we can only remember now and then. Let us value it, preserve it, protect the freshness of mind and body of the children. Let us keep them away from people and events that will bring them negative experiences while growing up. Hence, in my administration:

A.    Statistics on youth will be researched well. There will be several categories:
Ages:
                  0 to 3 years old;     
                   4 to 6 years old; 
                                   7 to 11 years old; and  
                                   12 to 17 years old.

These categories are not absolute. The point is we want to have relevant projects for children based on their ages and their inclinations. While growing up, children’s perspectives change; their games, too. Their own relationships with their parents and the family change. We must make the barangay be attuned to the changing life and lifestyles of the youth;

Hence, City Hall shall gather psychologies who will train parents in every barangay as to how to treat the youth.

B.    School children shall be assisted in carrying their bags at school and as they go home. We shall have shuttle jeeps to bring them to school and back home;

C.    We shall put up contests and competitions to sharpen their strength in facing competition in life. Hence, because of this, they will learn the value of activities that increase their talents and teach them the value of life;

D.    They will also learn how to relate with others under a competitive atmosphere. They will learn that sports nurtures their body and mind to be healthy and for their honor to be upheld while playing games;

E.    Parks shall be put up in every barangay for children, PWDs and seniors. A tanod shall be posted there to insure the safety of everyone, especially of children.

F.    The health of children shall be insured by providing them (the indigents) with vitamins and minerals.

G.    It shall be the concern of everyone to know what kinds of games they are engaged in, especially if they are or are not raising their knowledge and destroying or enhancing their positive image of life.

H.    Parents, teachers and psychologies confer about how to discipline the children in every barangay. Purok leaders shall  insure that this is regularly done. The child with a happy youth will grow up having a positive view of life and love for their fellow children.



PROGRAMA: KARAPATDAPAT NA MGA KALYE









Sa ilalim ng aking Panunungkulan, hindi lamang malayo sa panganib kundi maganda ring maglakbay sa ating mga kalsada. Kailangan ay walang sagabal sa paglalakad ang mga tao:

1.     Kailangan pantay ang lahat ng sidewalk para hindi natatapilok ang mga tao sa paglalakad; ang mga naiwang semento, mga bato ay hindi matatagpuan dito;

2.     Kailangan may mga puno sa magkabilang bahagi ng kalsada- mga punong pili, narra, mahogany, acacia, ilang-ilang at fire trees ang mga itatanim; sasalitsalitin dito ang mga firetrees na namumulaklak ng mga pulang talulot para magandang tingnan;

3.     Kailangan may mga bulaklak ng sampaguita, kamia at dama de niche sa pagitan ng mga puno para hahalimuyak ang daan. Ang mga sidewalks ay pupunuin din ng mga flowering plants na ito;
4.     Sa kada ika sampung kilometro, palalagyan ko ng malikhaing lilok o eskultor na may simbolo ng pag-ibig sa bayan, tulad ng:
a.  mga babaeng nananahi ng bandila; si Rizal ginagamot ang mata ng kanyang ina; 
b. Juan Luna nagpipintura ng Spoliarium; 
c. Si Mabini, may hawak na Konstitusyon ng Pilipinas, nakaupo at nagsusulat sa isang mesa;
d. Si Gregoria de Jesus may hawak na isang bungkos na papel at nakasakay sa kabayo;
e. Si Rhona Mahilum, isang bata itinatakas ang kapatid palayo sa nag-aapoy na bahay nila;
f. Sa mga rotunda dapat at may sculptural tableau. Magkakaroon ng contest sa mga taga sining para idisenyo ito;
5.     Kailangan may mga bangko o upuan sa bus at jeepney stops para nakauupo habang naghihintay ng sasakyan ang mga tao, lalo na ang PWDs, senior citizens at mga buntis;

6.     Kailangan may bubong ang bawa't stop panangga sa init at ulan;

7.     Ang mga stop magkakaroon ng magandang arkitektura na mukhang gawang Pilipinas, hindi basta kahoy, bato at yero lamang. Magkakaroon ng design contest para sa mga bus at jeepney stops;

8.   Ang mga overpass dapat ay may elevator para sa mga seniors, PWDs, buntis atbp;

9.   Ang mga dingding ng underpass ay dapat may larawan na mosaic, mula pagbaba hanggang pataas;

10.     Lalagyan ng palikuran ang bawa't ika sampung kilometro. Ito ay dapat mas mababa kaysa sa kalye upang di maamoy ng mga naglalakad. May tubig na dumadaloy dito at ang paglilinis ay 24-7;

11.  Ang pagwawalis sa kalye ay dapat 24-7 din;

12.  Ang mga basura ay dapat hinahakot sa gabi, hindi sa araw;

13.  Ang mga trak ng basura may takip na bakal, at hindi trapal lamang; 

14.  Bawal kalkalin ang basura sa daan. Dapat tuluy-tuloy ang paghakot;

15.  Ang mga stops may bantay na aalalay (tanod) sa mga senior citizens at PWDS sa pagtawid,o mga babaeng buntis at o may dalang bata;

16.  Bibili ang City Hall ng mga drones para tingnan ang mga nag o-overspeeding na mga sasakyan at maireport ito sa MMDA; at 

17.  Ang mga roadwork projects ay dapat sumunod sa mga pamantayan ng bayan at may takdang pagtatapos upang alam ng taumbayan kung gaano sila katagal magpapakasakit.







PROGRAM: PRO-PEOPLE ROADS


Under my administration, roads shall not only be free from danger but also beautiful and relaxing to travel through.

1.     Sidewalks should have leveled pavements so when people walk through them, they would not trip over. Cement which is left over from previous public works projects has to be removed right away at the end of the project.

2.     Trees should be found on both sides of the streets -- pili, narra, mahogany, acacia, ilang-ilang and fire trees in alternate fashion, with firetrees i-between to give color to the green landscape.

3.     KNecessary to have sampaguita, kamia at dama de niche in between trees to produce good smell  and by sidewalks

4.     After every ten kilomenters, meaningful nationalistic sculptures shall be put such as:
a.  women dressed in Maria Clara sewing the Philippine flag; Rizal  curing her mother’s eyes.; 
b. Juan Luna painting the Spoliarium; 
c. Mabini, holding the Konstitusyon ng Pilipinas, seated on a rattan chair and writing on his desk;
d. Gregoria de Jesus holding a bunch of papers;;
e. Rhona Mahilum, a Negrense child holding her younger sibling away from their burning home;
f. At rotundas sculptural tableau shall be put up. A contest shall be held for this purpose;

5.     Benches should be provided at bus and jeepney stops for senior citizens and PWDs

6.     Every vehicle stop should be roofed to shelter the passengers from sun and rain;

7.     Stops should have beautiful architecture, Philippine design, not plain wood, or stone and roofing. A design contest shall be held for the purpose;
8.    Every overpass shall have elevators for seniors, PWDs, pregnant women and others; 

9.   The walls of underpasses should have mosaic paintings; 

10.  At every tenth kilometer, a toilet shall be built in such a way that its level is lower than the street, to keep the stench away from the regular roads. We shall ensure that water runs through it and that a caretaker is there to oversee its cleanliness;
11.  Streetsweeping shall be conducted on 24-7 basis;

13.  Waste collecting trucks should have a steel cover not just tarpaulin;

14.   Vehicle stops should have assistants (tanod) to help senior citizens and PWDS negotiate the roads; 

15.  City Hall  shall buy drones to fly over streets and survey who are overspeeding for reporting to the MMDA; and  

17. Roadwork projects must follow the standards and have exact dates for completion.