Saturday, January 5, 2019

PROGRAMA: PALENGKE





PROGRAMA: PALENGKE 

Napakahirap ng gawaing magtinda sa ating mga palengke. Ang mga kababayan natin ay kailangang gumising ng maaga para mabili ang mga ititinda, o kaya ay maunang makapag-lahad ng mga paninda at maunahan ang ka-kumpitensiya.

Marami sa kanila ang halos kulang ang tulog araw-araw para lamang makapagtinda at kumita ng malaki para maigaod ang pangangailangan ng kanilang mga anak at pamilya.
Narito ang aking mga gagawin pag-upo ko sa City Hall na gagawin sa lahat ng palengke ng mga barangay:

1.    Piliting magkaroon ng mababang presyo ng bilihin parati. Hanapin ang pinanggagalingan ng mga crops at bibili dito ang gubyerno; gamit ang transportasyong gubyerno, ihahatid ito sa lungsod para mas mababa ang presyo ng mga ito para sa mga tindera ang mga mamimili.

Kung saka-sakali, makikipag-ugnayan tayo sa Benguet at ibang lalawigan kung puwedeng dumiretso ar bumili ng gulay sa kanila;

2.    Kailangan nating i-balanse ang imported at local goods na tinitinda para matulungan ang mga lokal na manufacturers;

3.    Magkakaroon tayo ng espasyo para sa pagtitinda ng mga bagong imbensyon ng ating magigiting na mga imbentor. Sa ganitong kalakaran din, ay mae-engganyo ang ating kabataan na gayahin ang kanilang tinatahak na larangan;

4.    Kadalasan, kung hindi gabi-gabi, ang mga pinaglipasang gawain at mga negosyo ay nag-iiwan ng santambak na basura. Kailangang linisin ang paligid ng palengke gabi-gabi para bumango ang palengke at maganda sa pakiramdam sa mga darating kinaumagahan; kailangang makaramdam sila na isang bagong umaga, bagong araw ang daratnan nila. Nakakapagpataas ng morale ang ganitong kalinisan ng kapaligiran;

5.    Kailangang mapa "tiles" ang mga sahig ng palengke, pati na ang mga dingding. Gagawa tayo ng paraan—kahati ang gubyerno sa pagpapaganda ng palengke;

6.    Napakainit kadalasan sa palengke, at mabaho pa. Kailangan 24-7 ang paglilinis dito, pagbabalya ng tubig para mawala ang mabahong amoy;

7.    Magkakaroon din ng ceiling fans;

8.    Ang mga senior citizens na nais pa ring mamalengke ay makakagamit ng trolley pag sila ay namamalengke. Magkakaroon ng mga taong pwedeng mag-assist sa kanila;

9.    Ang mga mamimili ay makagagamit ng timbangan para sukatin ang kanilang paninda at para walang magugulangan sa kilohan;

10. Ang mga karatula sa loob at labas ng palengke dapat ay pantay-pantay ang laki;

11. Bawa’t tindero at tindera ay kailangang may apron na puti at malinis kapag nagtitinda;

12. Maglalagay tayo ng daycare sa bawa’t palengke para sa mga nanay na tindera na walang tagabantay ng kanilang anak sa tahanan nila at kailangang madala nila; at

13. Ang mga garbage trucks ay magtatrabaho at gabi lamang lalabas upang hindi magkalat ng masamang amoy at basura sa daan.

14. Ang bawa’t barangay ay magtatakda ng paglalagay ng basurahan ng bawa’t tindahan, vendor at kumpanya ng basurahan sa tapat ng negosyo nila.

GAWING MAKABULUHAN ANG A-19 NG MAYO.
WALANG KULELAT!
SA PAGBABAGOSIGURADO BASTA ORO!




PROGRAM: MARKET CLEANLINESS

It’s very difficult selling at markets. Our people have to wake up early to buy their ingredients and things to sell, or else, they would be defeated easily by competition.

Many even sleep less, or get to sleep at the market sites just so they could sell and earn a lot to finance the needs of their children and family.

Here are the things I will do once I take my seat at the City Hall which shall be done at all the markets in the barangay:

1.       We shall persevere in bringing down the prices of food stuffs. Search shall be done where crops may be sourced from their origins and then purchases shall be made using the transportation of the government or the military. They will be brought to the City for sale at minimal profit to recover costs or at will be priced at cost to the vendors who would in turn sell them to the public.

2.       We shall coordinate wit provinces like Benguet for sourcing of their produce for the City;

3.       We must balance imported and local goods that we shall sell to help local manufacturers;

4.       We shall have spaces for the selling of new inventions and encourage our inventors to continue their profession. In this way, our youth shall be encouraged to follow their path.

5.       Most of the time, if not nightly, piles of waste accumulate. These must be swept away and the markets should be free of them nightly so that the place shall be smelling good for the morning vendors. This gives a nice felling to them and encourages them to embrace their business and give better service to the public;

6.       Markets should be tiled, including the walls. We could think of dividing the expenses between the market vendors and the government in beautifying the market;

7.       Cleaning should be done on a 24-7 basis using soap and water to remove the stench;

8.       Ceiling fans shall be installed to keep the place airy;

9.       Senior citizens shall find trolleys to help them go around. Assistance shall be provided them;

10.  Signages shall be allowed but shall have standardized sizes to be decided upon by the association of vendors;

11.  Every vendor shall wear white apron that is clean when selling;

12.  A daycare center shall be put up at every market for those mothers selling without caregivers for their children at home and have to bring them to work;

13.  All garbage trucks shall go around only at night to keep the streets; and

14.    Every barangay shall order all vendors, stores, companies, offices with front road connections to provide waste cans in front of their business.


GAWING MAKABULUHAN 
A-13 NG MAYO 2019
           WALANG KULELAT! !.

           SA PAGBABAGO, SIGURADO BASTA ORO!


No comments:

Post a Comment