Tuesday, January 8, 2019

PROGRAMA: ACTIVE SENIOR CITIZENSHIP


GAWING MAKABULUHAN A-19 MAYO 2019

PROGRAMA: MAALIWALAS NA PAGHARAP SA KATANDAAN



Ang mga nakatatanda ay nagbahagi ng kanilang lakas, isipan at damdamin sa lipunan ng sila ay bata pa. Kung kaya't dapat nating ipakita ang ating pasasalamat sa kanila sa pamamagitan ng mga mapagkalingang aksyon para sa kanila. 

May mataas na bilang ng mga senior ctizens ngayon dahil sa tulong na binibigay ng gubyerno buwan-buwan lalo na ng 20% discount card para pagbili ng gamot at pagbayad sa mga kainan. Sa NCR may 468,876  na bilang ng senior citizens.

Nakatatanggap na ng P500 kada buwan ang ilang senior citizens natin na dinagdagan pa ng P200 sa ilalim ng Unconditional Cash Grant na bigay ng TRAIN Law or Tax Reform for Acceleration and Inclusion. At sa taong 2019, tataasan pa ito ng P300 kada buwan. Ang mga binibigyan ay yung walang regular na monthly income; yung mga maysakit, masasakitin, o PWDL; hindi tumatanggap ng ayuda kahit na sa anong ahensiya ng gubyerno; at walang permanenteng pinagkukunan ng income para masuportahan ang kanilang mga batayang pangangailangan.

Malaking bagay na nakatatanggap ng tulong ang mga senior citizens mula sa awtoridad- malaking emotional support din ito. Kadalasan kasi sa mga tahanan tinuturing na wala ng lakas at pakinabang ang mga nakatatanda. 

Liban sa mga benepisyong nabanggit sa itaas, nais ko rin ng mga sumusunod na karagdagan para sa mga senior citizens:

1.     Mas mahabang oras at araw ng panonood ng sine:
Kung minsan nakakapanlumo na makita ang mga senior citizens na pumupunta sa mall para manood tapos yun pala bawal silang pumasok dahil holiday o kaya ay ayaw pumayag ng mga prodyuser ng pelikulang papasukin dahil kabubukas pa lamang ng pelikula sa takilya. Napapahiya tuloy ang mga kababayan natin. Yung maykaya, nakakabili ng tiket; merong iba umaayaw na lang kesa sa magbayad ng napakamahal na tiket.

2.     Libreng mineral water, minerals at vitamins: Ang mga nakatatanda ay kailangan ng mga ito para sa kanilang mga masel, utak para hind maging malilimutin, atbp.

3.     Libreng laundry: Ang mga senior citizens ay hirap yumuko o tumingkayad. Kaya’t maigi sana kung ang City Hall ay mamimigay ng coupons para maipalit sa paglalaba sa mga laundry companies.

4.      Allowance sa mga caregivers ng senior citizens: Para mabawasan ang burn-out feelings nila yung pagkabugnot sa pag-aalaga sa mga nakatatanda kailangan ito ng mga caregivers. Kailangan din ng Incentive para sa mga pamilya tulad ng mas malaking tax exemptions kapag may alaga silang senior citizens na walang pension;

5.     Hotline phone number para sa senior citizens lamang;  

6.     Libreng tawag sa mga kamag-anak sa abroad ;

7. Libreng salamin sa mata at konsultasyon sa duktor;

8. Poster. Paglalagay ng poster sa bawa't restorant ng hotline number kung may reklamo ang senior citizen tungkol sa presyo ng babayarang pagkain;


9.     Bus and jeepney stops dapat may babala na ipahuhuli ang mga sasakyan na hindi papara para sa kanila; tax credit sa mga tutulong sa kanila;  

10.     Diskuwento: lahat ng nagtitinda ng gamot, o herbals ay tatakdaang magbigay ng 20% discount;

11.     Art and music workshops sa bawa't barangay para sa senior citizens. Meron kasing nai insecure o nawawalan ng kumpiyansa sa sarili kapag kasama ang mga nakababatang umaawit sa rehearsals at performances;

12.    Premyo sa mga senior citizens na makakapag -perform o mag e-exhibit ng kanilang mga likhang sarili;

13.   Reward na one million pesos sa mga senior citizens na magdiriwang ng kanilang ika 100 taon;

14.   Census: mga social workers magse census ng lahat ng senior citizens sa bawa't  barangay at bibisitahin sila araw-araw kung may sakit at tatlong beses isang linggo kung magaling naman. Kakausapin pati ng social workers ang pamilya upang malaman ang talagang nangyayari sa kanya; 

15.   Kapitbahay: Pati na ang mga kapitbahay. kakausapin ang mga kapitbahay na maging mapagkalinga rin sa kanya o kanila. Bubuhayin natin ang pagiging mapag-alala o concerned, mapagkalinga sa kapwa, bayanihan; at

16.   Emergency vehicle: Ang sasakyan ng bawa't barangay ay dapat na available for emergency sa lahat ng senior citizens any time



PROGRAM: ACTIVE SENIOR CITIZENS

 
 

Senior citizens shared the best years of their youthful lives – their ideas, emotions and strength – in society. It is only proper and just that we are able to show our appreciation of their acts through a nurturing action for them, now that they are facing the twilight years.  
Actually, we have high population of senior citizens. In NCR alone, senior citizens number 468,876.
Because of the mandated 20% discount card for buying  medicines and availing of other services in society senior citizens already feel deserving of equal treatment.

An indigent sector receives P500 every month and which will be increased by P200 as Unconditional Cash Grant under the TRAIN Law or Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

This will also increase by P300 monthly for those without regular na monthly income; those who are sick or sickly, the PWDs, those who do not receive any aid from any other government agency and without any permanent source of income.  It is highly important that our senior citizens receive support from authorities. They produce not only physical but also emotional satisfaction. This is because homes are not ordinarily supportive of the elderly as some consider them useless and ready to depart anytime.

Aside from the above benefits, I would like to add more services for the seniors which I will implement as soon as I take office:

1..Longer movie watching hours. It is sometimes pitiful to find senior citizens trekking to the malls to watch a movie only to be told that they cannot be allowed in as the picture has just been released or the day is a holiday. Our seniors then get humiliated. Those who can afford pay for a ticket while others just go back home or turn to other inexpensive recreational activities;                
2. Free mineral water, minerals and vitamins. The elderly are in need of these to strengthen their muscles, refresh their mind so as not to suffer from Alzheimer’s disease;

3. Free laundry – most elderlies have difficult muscle controls. We should give them coupons for exchanging for laundry services at accredited companies;

4. Allowance for caregivers of senior citizens: to reduce the burn-out feelings of caregivers of the elderlies, especially as the latter are prone to be irritable and difficult to take care of, incentives should be provided for them. Also, the family should be given bigger tax incentives when they are taking care of a senior citizen/s;

5. Hotline phone number for senior citizens only;

6.  Free calls to relatives abroad; libreng tawag sa mga kamag-anak sa abroad;

7. Free eyeglasses and consultations with the doctor. Under Universal Health Care which has just been passed, hopefully this is already covered;
8. Posters shall be put up at every restaurant containing phone numbers to which the elderly may readily complain; 
9. Bus and jeepney stops shall be provided with reminders that those who do not stop shall be arrested; 

10. Discounts: All stores selling medicines, herbal or non-herbal shall be required to give 20% discount;

11. Art and music workshops shall be set up to help the elderlies maintain their good health. These separated workshops must be conducted in order to reduce the feelings of insecurity of the elderlies who could feel thus when in the company of younger participants;

12.    Prizes for elderlies who perform or exhibit their own works;

13.   Reward of one million pesos for elderlies who reach 100 years old;

14.   Emergency vehicle: This will be available for seniors’ condition only. One time, an ambulance worker came to pick up a senior citizen who suffered from a stroke. He stole the ring of the elderly without qualms. The relatives were shocked at the sight and were not able to complain right away. This occurred on August 19, 2007 at Barangay Donya Imelda. This should not happen at all, and never will under my administration.
     
15.   Census: census shall be conducted of senior citizens in every barangay to regulate visitations that will result in active support for them. Visitations shall be conducted at lease 3 times a week. They will be visited by social workers, interview them including their families;

16.  Neighbors:  Even neighbors shall be interviewed to get a truthful view of the real conditions of the elderlies. We shall revive the Bayanihan spirit in the communities; and







No comments:

Post a Comment