Tuesday, January 8, 2019

PROGRAMA: KAUNLARAN


RASON: Nakikita natin ang malalaking agwat sa pamumuhay ng mga taga Quezon City. may mayamang mayaman at may mahirap na mahirap.
Kung kaya't ating patitingkarin ang ating mga programang pangkaunlaran.

Una nating haharapin ay:

I. KAGUTUMAN- walang dapat na nagugutom sa Quezon City.

A. Solusyon: magkakaroon tayo ng Central Food Bank (CFB) na mamamahala sa lahat ng FB bawa't distrito.  

1. Bawa't distrito ay magkakaroon ng Food Bank. Itatayo ito sa anim na distrito ng Lungsod Quezon. Mamamamahagi ito ng pagkain sa mga nagugutom. 

2. Tatanggap ang City Hall ng suhestyon kung paano ito tutuparin. Sa ngayon ito ang aking naiisip: lahat ng indibidwal at restaurant na may sobrang pagkain sa gabi ay maglalagak ng mga sobrang pagkain dito sa CFB. Ang CFB naman ang mamamahagi sa mga distrito. 

3. Magkakaroon din ang Foodbanks ng regular na mga items tulad ng: bigas; sabon, shampoo, toothbrush, toothpaste, toilet paper, baso, sabong panlaba, mga prutas packed na naka sachets;

4. Ang mga tatanggap ay bibigyan ng passbook na magpapatunay na sila ay nararapat makakuha sa Food Banks. Ang mamahala dito ay tatawaging: Capitan o Capitana Food Bank. Ang mga senior citizens, PWDs, at iba pang disadvantaged ay prayoridad. 

          II. PABAHAY Maraming nakatira sa mga sidewalks sa ating Lungsod. 

Uupa ang City Hall ng mga lupa na di ginagamit sa Quezon City at lalagyan natin ng maliit na portable na bahay na tatawagin natin ngayon na Podhouse. Tulugan lamang ito at hindi permanenteng tirahan habang hahanapan sila ng mas magandang pabahay. Aayusin ang lupa na katitirikan ng mga ito kung saan, magkakaroon ito ng communal na palikuran, paliguan, at playground para sa mga bata.
Sa bawa’t distrito magkakaroon nitong Podhouses. 

Personnel: Pabahay Capitan na may social  worker background

            III. PAUTANGAN  Pautangan para sa pagpapagawa ng bahay na nasalanta ng bagyo;
ENTREPRENEURSHIP PROGRAM.  Magbibigay tayo ng Loans para sa small and medium enterprises. Bago maka avail, kailangang magkaroon muna sila ng training tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo bago makatanggap ng loan;

IV. PINAGSAMA-SAMANG TULUNGANG PONDO: Lahat ng malalaking kumpanya sa Quezon City ay hihingan natin ng ambag sa isang central donation bank. Itong bankong ito ay pagkukunan ng pondo para palakasin ang food bank at iba pang tulong ng City Hall para sa mahihirap;

Painting by Botong Francisco


PROGRAM: DEVELOPMENT


REASON: We see the great gap in living standards in Quezon City: between the very, very affluent and the impoverished groups. This is why we should highlight our program for development:

We shall face the following:

I. HUNGER: no one should go hungry in Quezon City.

A. Solution:
 We must establish a Central Food Bank (CFB) that will take care of 6 other mini CFBx in every district;  

Every district will distribute food to the hungry.

2. City Hall shall gather foods from volunteering individuals and restaurants whose leftovers at night may be had or received by CFB staff. In turn CFB shall distribute the same to each district depending on need or number of hungry folks.

3. We shall also have Foodbanks with regular items like rice, soap, shampoo, toothbrush, toothpaste, toilet paper, glass, laundry soap, chlorox, fruits, tin foods, etc.

4. Each individual family who avails of free food and/or groceries shall have a passbook wherein the received items shall be listed, and which will affirm that they are legally indigent. The leader shall be called Food Bank Capitan or Capitana. S enior citizens, PWDs, and other disadvantaged sectors shall be given priority.  

II. HOUSING. Plenty of people reside in rolling carts parked on the city sidewalks.

City Hall shall rent land not being utilized for the purpose of setting up portable homes called Podhouse, only for sleeping purposes and not permanent residence. The homeless shall be resettled at more permanent land and homes later. These podhouses shall have toilets, baths, small park  and playground. Sa bawa’t distrito magkakaroon nitong Podhouses. 
It will also have a small nook for reading materials and current newspapers.
The leader shall be called Pabahay Capitan with social  worker background.

III. LOANS. Strictly for reconstruction of homes of disaster victims.

IV. ENTREPRENEURSHIP PROGRAM. Loans for small businesses shall cover those indigents. To avail, they must undergo training on how to run a business first.

V. POOLED CHARITABLE FUNDS AND GRANTS: All big companies in QC will be tapped to donate to a central donation bank where funds may be sourced to strengthen the foodbank and to aid the poor. It shall have a list of requirements for those who want to avail of the funds.


Painting by Botong Francisco




                  

No comments:

Post a Comment