Wednesday, January 9, 2019

PROGRAMA: KARAPATDAPAT NA MGA KALYE









Sa ilalim ng aking Panunungkulan, hindi lamang malayo sa panganib kundi maganda ring maglakbay sa ating mga kalsada. Kailangan ay walang sagabal sa paglalakad ang mga tao:

1.     Kailangan pantay ang lahat ng sidewalk para hindi natatapilok ang mga tao sa paglalakad; ang mga naiwang semento, mga bato ay hindi matatagpuan dito;

2.     Kailangan may mga puno sa magkabilang bahagi ng kalsada- mga punong pili, narra, mahogany, acacia, ilang-ilang at fire trees ang mga itatanim; sasalitsalitin dito ang mga firetrees na namumulaklak ng mga pulang talulot para magandang tingnan;

3.     Kailangan may mga bulaklak ng sampaguita, kamia at dama de niche sa pagitan ng mga puno para hahalimuyak ang daan. Ang mga sidewalks ay pupunuin din ng mga flowering plants na ito;
4.     Sa kada ika sampung kilometro, palalagyan ko ng malikhaing lilok o eskultor na may simbolo ng pag-ibig sa bayan, tulad ng:
a.  mga babaeng nananahi ng bandila; si Rizal ginagamot ang mata ng kanyang ina; 
b. Juan Luna nagpipintura ng Spoliarium; 
c. Si Mabini, may hawak na Konstitusyon ng Pilipinas, nakaupo at nagsusulat sa isang mesa;
d. Si Gregoria de Jesus may hawak na isang bungkos na papel at nakasakay sa kabayo;
e. Si Rhona Mahilum, isang bata itinatakas ang kapatid palayo sa nag-aapoy na bahay nila;
f. Sa mga rotunda dapat at may sculptural tableau. Magkakaroon ng contest sa mga taga sining para idisenyo ito;
5.     Kailangan may mga bangko o upuan sa bus at jeepney stops para nakauupo habang naghihintay ng sasakyan ang mga tao, lalo na ang PWDs, senior citizens at mga buntis;

6.     Kailangan may bubong ang bawa't stop panangga sa init at ulan;

7.     Ang mga stop magkakaroon ng magandang arkitektura na mukhang gawang Pilipinas, hindi basta kahoy, bato at yero lamang. Magkakaroon ng design contest para sa mga bus at jeepney stops;

8.   Ang mga overpass dapat ay may elevator para sa mga seniors, PWDs, buntis atbp;

9.   Ang mga dingding ng underpass ay dapat may larawan na mosaic, mula pagbaba hanggang pataas;

10.     Lalagyan ng palikuran ang bawa't ika sampung kilometro. Ito ay dapat mas mababa kaysa sa kalye upang di maamoy ng mga naglalakad. May tubig na dumadaloy dito at ang paglilinis ay 24-7;

11.  Ang pagwawalis sa kalye ay dapat 24-7 din;

12.  Ang mga basura ay dapat hinahakot sa gabi, hindi sa araw;

13.  Ang mga trak ng basura may takip na bakal, at hindi trapal lamang; 

14.  Bawal kalkalin ang basura sa daan. Dapat tuluy-tuloy ang paghakot;

15.  Ang mga stops may bantay na aalalay (tanod) sa mga senior citizens at PWDS sa pagtawid,o mga babaeng buntis at o may dalang bata;

16.  Bibili ang City Hall ng mga drones para tingnan ang mga nag o-overspeeding na mga sasakyan at maireport ito sa MMDA; at 

17.  Ang mga roadwork projects ay dapat sumunod sa mga pamantayan ng bayan at may takdang pagtatapos upang alam ng taumbayan kung gaano sila katagal magpapakasakit.







PROGRAM: PRO-PEOPLE ROADS


Under my administration, roads shall not only be free from danger but also beautiful and relaxing to travel through.

1.     Sidewalks should have leveled pavements so when people walk through them, they would not trip over. Cement which is left over from previous public works projects has to be removed right away at the end of the project.

2.     Trees should be found on both sides of the streets -- pili, narra, mahogany, acacia, ilang-ilang and fire trees in alternate fashion, with firetrees i-between to give color to the green landscape.

3.     KNecessary to have sampaguita, kamia at dama de niche in between trees to produce good smell  and by sidewalks

4.     After every ten kilomenters, meaningful nationalistic sculptures shall be put such as:
a.  women dressed in Maria Clara sewing the Philippine flag; Rizal  curing her mother’s eyes.; 
b. Juan Luna painting the Spoliarium; 
c. Mabini, holding the Konstitusyon ng Pilipinas, seated on a rattan chair and writing on his desk;
d. Gregoria de Jesus holding a bunch of papers;;
e. Rhona Mahilum, a Negrense child holding her younger sibling away from their burning home;
f. At rotundas sculptural tableau shall be put up. A contest shall be held for this purpose;

5.     Benches should be provided at bus and jeepney stops for senior citizens and PWDs

6.     Every vehicle stop should be roofed to shelter the passengers from sun and rain;

7.     Stops should have beautiful architecture, Philippine design, not plain wood, or stone and roofing. A design contest shall be held for the purpose;
8.    Every overpass shall have elevators for seniors, PWDs, pregnant women and others; 

9.   The walls of underpasses should have mosaic paintings; 

10.  At every tenth kilometer, a toilet shall be built in such a way that its level is lower than the street, to keep the stench away from the regular roads. We shall ensure that water runs through it and that a caretaker is there to oversee its cleanliness;
11.  Streetsweeping shall be conducted on 24-7 basis;

13.  Waste collecting trucks should have a steel cover not just tarpaulin;

14.   Vehicle stops should have assistants (tanod) to help senior citizens and PWDS negotiate the roads; 

15.  City Hall  shall buy drones to fly over streets and survey who are overspeeding for reporting to the MMDA; and  

17. Roadwork projects must follow the standards and have exact dates for completion.


No comments:

Post a Comment