Saturday, January 5, 2019

ECUMENICAL CHURCH




Magtatayo Ang City Hall Ng Ecumenical Church 

Ang Ecumenical Church ay isang sambahan o simbahan kung saan kahit saan siya kabilang na relihyon ay maaaring magdasal dito. Kaya’t lahat ng Kristiyano, Muslim, Buddhist, at iba pang relihyon ay maaaring pumunta rito.

Naniniwala tayong lahat na nakikita tayo ng Diyos kahit saan man tayo makarating.

Ngayon, dahil kailangan natin ang isang tahimik na lugar para magdasal o magmunimuni ang City Hall ay magtatayo ng gusali na puwedeng puntahan ng lahat ng tao, ng walang pagtatangi kung anumang relihyon ang kinabibilangan ng indibidwal.

Magkakaroon ito ng mahalimuyak na hardin sa paligid at maraming bangko kung saan puwedeng maupo at magpahinga o magmeditate tungkol sa ating mga paniniwala at sa takbo ng ating buhay sa araw-araw.

Sa bawat barangay patitingkarin natin ang pagkakaroon ng parke na may mga mahalimuyak na halaman at mga puno para panglilim.
Magkakaroon ito ng isang tahimik na sulok din para makapagdasal, makapagmuni-muni at makapag-isip ng malalim ang sinuman na walang gumagambala sa kanya.

Gayundin ang hitsura nito sa kapaligiran ng ecumenical na sambahan. Pupunuin din ito ng mga mahahalimuyak na bulaklak at mga puno na magbibigay ng lilim.

Makikibahagi sa pag maintain ng ecumenical na sambahan at mga parke ang lahat.

Lalagyan din natin ng isang maliit na aklatan na may mga diyaryo ng pangkasalukuyan.

Para magkaroon ng Sistema at mapanatili ang sambahan sa maayos na paraan, maglalabas ng komiks ang City Hall tungkol sa pangangalaga ng parke.

NB:  Ecumenismo: isang kilusang pandaigdigan na nagsusulong ng pagkakaisa o kooperasyon ng lahat ng mga Kristiyano (Ecumenism, the movement or tendency toward worldwide Christian unity or cooperation) – Brittanica.com



ECUMENISM

We shall Build
An Ecumenical Church 

An Ecumenical Church is a worship house for everyone regardless of religious affiliation. So all, whether Christian, Muslim, Buddhist or any other religion can enter this place and meditate.

We believe that God sees everyone wherever they may be.

Now, because we need a quiet place for praying or meditating, City Hall shall put up a building where everyone may come without discrimination as to the religious group they belong to.

This will have a fragrant garden around with plenty of benches for resting or meditating about their beliefs and the daily grind.

In every barangay, we shall enforce the setting up of a park with frangrant flowers and trees for keeping the place cool.

It will have a corder for praying, meditating and reflecting on life without any disturbing them.

This will have the same layout as the Ecumenical Center. We shall fill this fragrant flowers and trees similar to the Center.

Everyone shall help in maintaining the Center.

We shall also fill up the place with a small library with current magazines and journals.

The City Hall shall comeout with a comics on how to care for the Center and the park in general.

NB:  Ecumenism: an international movement that advances unity and cooperation of all Christians.
 (Ecumenism, the movement or tendency toward worldwide Christian unity or cooperation) – Brittanica.com




No comments:

Post a Comment